-
WALA
Last minute of the project making.
wala pa rin
late na
wala pa rin
hindi pala alam ung system
kaya pala
huli na
wala pa rin alam
walang wala talaga
-
walang pakialam
sinubukan ko ung NBA 2k11 nung may ginagawa siya para sa project niiya.
nagalit siya.
maglaro na lang daw ako.
eh ano gusto niyang gawin ko habang may ginagawa siya? panoorin siya?
nice ha. nice.
-
la lala lala…
Madali sana intindihin ang mga bagay bagay kung maayos ung pagkakasabi.
Madali din sabihin na “pakiintindi na lang”
Pero hindi naman ganun kadali tanggalin ung sakit na binigay nung rejection.
Madali nga intindihin. Pero masakit pa rin na nung time na sinabi sayo, kailangan sa paraan pang masasaktan ka.
Hindi sa nagiging selfish ako, pero ano ba ang mas madali?
Sabihin ang isang bagay sa paraang maayos at walang tensiyon?
o
Sabihin ang isang bagay sa paraang hindi maayos at nakakasakit?
Parang mas madali naman maging mabait. Bukod sa walang stress sayo, wala ka pang masasaktan, mas masaya lahat.
haayyy…
-
Gusto ko maging pulis!
gusto ko sana maging pulis. pero konti na lang makakatapos na ako. sayang kung hindi ko pa itutuloy.
masaya pala maging pulis. lalo na kung lagi ka sumasakay ng bus :)
ngayong gabi pag uwi ko, may nakasabay ako sa bus na lalaki. pagkatapos akong tanungin ng konduktor kung saan ako bababa, ung katabi ko naman ang tinanong niya. napansin ko naman na hindi sumasagot ung katabi ko, pero parang may sineseniyas siya sa konduktor. tapos biglang humingi ng id ung konduktor mula sa katabi ko. tinignan ko ung id na kinukuha sa wallet niya. napansin ko may logo ng PNP.
nang matiketan na ang lahat ng pasahero, naningil din agad ng pasahe ung konduktor. kaya ako, dukot agad ako ng pera sa wallet ko. pero ung katabi kong pulis na nakacivilian, wa paki. nag eemo lang siya sa tabi ng bintana. nakasilip sa labas ng bus.
nun ko lang napagtanto na mas masarap pala maging pulis. kasi ang estudyante, 12% lang natatanggap na discount. pero siyang pulis, 100%. sarap di ba? :))
-
SELFISH!
sabihin mo kung walang pupuntahan itong pagmamahal ko sayo. sayang lang eh. may ibang bagay pang makikinabang nito.
nakakainis!!! galit ako!!!
-
Study time!
because im sick of bad news on air, i’ll just study which is still unusual for me to do :)
-
I need your honest opinions
what can you say about the products of cherry mobile?
im planning on buying one but im hesitant. wala kasi ako alam about sa background ng cherry mobile.
thanks :)
-
JUSTICE : new definition
madalas ko marinig sa tv ung ‘hindi kami titigil hanggang di namin nakakamit ang hustisya ni … . *bla bla bla*’
pero parang iba na ang pinapakita nila. parang para sa kanila hindi makakamit ang hustisya hangga’t hindi lumalabas na tama ung iniisip nila. so parang lumalabas na ang hustisya ay ung tama para sa kanila.
kapansin pansin lang un sa tv. ung tipong JUSTICE for them is the thing that they believe is true. kaya kahit wala pang napapatunayan na kahit ano, sasabihin nilang hindi sila matatahimik hanggang hindi napapatunayan sa korte na ung gusto nila ang tama.
patunay lang ito na minsan nagiging makitid na ang utak ng ibang tao.
JUSTICE can be observed through whats written on the law. un naman dapat un. hindi ung pinipilit natin ung AKALA nating tama dahil un ang gusto natin. sana maisip din nung iba. na kahit agrabyado sila, hindi naman mababago nun ang tama at mali sa mata ng batas.
-
whats this?
the past few nights i was counting all the stars in the sky. but now im staring at a beautiful, shiny, CUTE star :))
-
why are you excited?
sometimes. thinking of something all the time makes you feel like time is stopping.